Kagabi, sa huling session day ng kamara para bigyang daan ang halalan, bigo na maisulong sa plenaryo ang override dahil nag-adjourn ang kamara nang walang roll call at ni-hindi nakapag-closing speech si House Speaker Feliciano Belmonte Jr.
Sinabi ni Colmenares na kung nagkabotohan lamang kagabi, mai-override ang Aquino veto.
Pero sa halip na harapin ang isang historic moment para sa override, biglang nag-adjourn ang kamara.
Ayon kay Colmenares, kung hindi pagbibigyan ang special session, mapipilitan umano siyang isingit ang pag-override sa Aquino veto sa pag-convene ng kongreso sa Mayo para sa canvassing ng mga boto. “Ilalaban ko ulit ito sa May 23, kung may boto kami kagabi siguradong mas may boto kami sa May 23,” ayon kay Colmenares.
Kaya payo ni Colmenares kay Pangulong Aquino, mas mabauting ipatawag ang special session kaysa sa maabala ang trabaho ng board of canvassers.
Naniniwala si Colmenares na hindi pa tapos ang laban para sa SSS pension hike, at gagawin umano niya ang lahat upang mapakinabangan ito ng mga senior citizen at SSS members.