Isa pang Pinoy sa Hong Kong nagpositibo sa COVID-19

Isa pang Filipino ang nag-positibo sa sakit na COVID-19 sa Hong Kong.

Sa abiso ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, kinumpirma ng Hong Kong health department ang ikatlong Pinoy na positibo sa sakit.

Sa ngayon nasa isolation ngayon ang babaeng pasyente at sumasailalim sa serye ng tests.

Nakausap naman na ng mga opisyal ng konsulada ang Pinay at sinabing maayos naman ang kondisyon nito at walang malalang sintomas.

Ang dalawang Pinoy na nauna nang nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong ay kapwa naka-recover na pero nananatili pa sa ospital para sumailalim pa sa pagsusuri.

Read more...