Sa Facebook, ibinahagi ng DOTr MRT-3 ang video kung saan makikitang gumagana na ang escalators sa Cubao station (Northbound) at North Avenue station (Northbound).
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na sa ngayon, 45 sa 46 escalators na ang fully-operational at maaari nang magamit ng mga commuter na sumasakay sa MRT-3.
Tiniyak din nito na patuloy ang pagsasaayos sa escalators katuwang ang Sumitomo-MHI-TESP.
Ang nasabing proyekto ay parte ng isinasagawang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.
MOST READ
LATEST STORIES