Ilang araw bago sumapit ang campaign period, pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga botante na huwag mag-halal ng mga lider nang dahil sa “financial incentives” o kaya ay dahil sila ay maituturing na “lesser evil”.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop at CPCP President Socrates Villegas, ang mga pulitikong bumibili ng boto ay walang “moral right” para sa anomang posisyon sa gobyerno.
Tinawag din ni Villegas na “selfish, destructive, at sinful” ang mga pulitikong nagbabayad para lamang sila ay mahalal.
Dagdag pa ni Villegas, hindi rin tamang iboto ang isang kandidato nang dahil siya ang maituturing na “lesser evil” kumpara sa ibang tumatakbo.
Mas mabuti pa ayon kay Villegas na wala na lamang iboto ang mga botante kung sa tingin nila ay walang kandidato na nararapat para sa isang partikular na posisyon. “Not voting for a particular position when there is no one fitted for it is also a valid Christian political choice. Voting for the ‘lesser evil’ is still voting for evil,” ayon kay Villegas.
Sa halip, pinayuhan ni Villegas ang mga botante na pumili ng kandidatong may respeto sa dignidad ng bawat mamamayang Pilipino at malapit ang puso sa mga mahihirap.