Global death toll sa COVID-19 mahigit 3,200 na

Umakyat na sa 3,202 ang Global death toll ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 2,981 ay mula sa China na nakapagtala ng 38 na panibagong nasawi sa nakalipas na magdamag.

Mayroon namang 221 na bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa at teritoryong apektado.

Kabilang dito ang sumusunod na mga lugar:

Italy – 79 (27 new)
Iran – 77 (11 new)
South Korea – 32
Diamond Princess – 6
Japan – 6
France – 4 (1 new)
Spain – 1 new
USA – 9 (3 new)
Hong Kong – 2
Thailand – 1
Taiwan – 1
Australia – 1
San Marino – 1
PH – 1

Umabot na sa 93,154 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19. Mahigit 50,000 sa mga ito ay naka-recover na.

Sa China, mahigit 80,000 na ang kaso ng COVID-19, pumapangalawa ang South Korea sa may pinakamaraming kaso na 5,328 na at ikatlo ang Italy na mayroong 2,502 na kaso.

Read more...