LOOK: Updated travel ban guidelines na ipinatutupad na ng BI

Nagpalabas ng updated na guidelines ang Bureau of Immigration (BI) sa ipinatutupad na travel ban sa mga bansang apektado ng COVID-19.

Ito ay matapos ang pulong ng Inter-Agency Task Force kahapon at dinesisyunan ang umiiral na temporary travel ban partikular sa South Korea.

Base sa guidelines na inilatag ng BI narito ang mga sakop ng travel ban:

CHINA
– sakop ng ban ang lahat ng dayuhan na papasok sa ng Pilipinas
– sakop ng ban ang lahat ng Pinoy na paalis ng Pilipinas papuntang China
– exempted sa ban ang mga Pinoy at kanilang asawa at mga anak na uuwi sa Pilipinas galing China
– exempted sa ban ang mga dayuhan na mayroong Philippine permanent visa
– exempted sa ban ang mga miyembro ng diplomatic corps

MACAU at HONG KONG
– sakop ng ban ang lahat ng dayuhan na papasok sa ng Pilipinas
– sakop ng ban ang lahat ng Pinoy na paalis ng Pilipinas papuntang Macau at HK maliban lang sa mga Pinoy na holder ng permanent resident visas at kanilang dependents, holder ng student visas at work visas sa Macau at HK
– exempted sa ban ang mga Pinoy at kanilang asawa at mga anak na uuwi sa Pilipinas galing Macau at HK
– exempted sa ban ang mga dayuhan na mayroong Philippine permanent visa
– exempted sa ban ang mga miyembro ng diplomatic corps

SOUTH KOREA
– sakop ng ban ang lahat ng dayuhan na papasok sa ng Pilipinas galing sa North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo
– sakop ng ban ang lahat ng Pinoy na paalis ng Pilipinas papuntang North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo maliban lang sa mga Pinoy na holder ng permanent resident visas at kanilang dependents, holder ng student visas at work visas sa North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo
– exempted sa ban ang mga Pinoy at kanilang asawa at mga anak na uuwi sa Pilipinas galing North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo
– exempted sa ban ang mga dayuhan na mayroong Philippine permanent visa
– exempted sa ban ang mga miyembro ng diplomatic corps
– Ang mga dayuhan galing sa iba pang bahaging South Korea ay pwedeng pumasok sa bansa basta’t hindi sila galing sa North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo

Read more...