Kim Chiu: Wala akong kaaway, why me?

Labis na takot ang naramdaman ng aktres na si Kim Chiu matapos sa sinasakyan niyang van ngayong umaga ng Miyerkules (March 4).

Ilang oras matapos mangyari ang pamamaril, nag-post ng pahayag sa kaniyang official Instagram Account ang aktres.

Ayon kay Kim, wala siyang ideya kung ano ang motibo, maari aniyiang “mistaken identity”.

Kwento pa ni Kim, nakahiga siya at natutulog nang magising sa magkakasunod na putok ng baril na base sa bilang niya ay walo.

Matapos ito ay nakita niya ang bala sa windshield na malapit sa kaniyang ulo. Mabuti umanong nakahiga siya kaya hindi siya tinamaan ng bala.

Takot na takot umano siya at hindi alam kung ano ang mararamdaman.

Nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng tumatawag at nagte-text at naghahayag ng pag-aalala.

Sa huli, nagpapasalamat si Kim Chiu na lahat sila ay ligtas at walang nasaktan sa kanila.

Read more...