Mahigit 800 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa South Korea; bilang ng nasawi 34 na

Mahigit 800 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa South Korea; bilang ng nasawi 34 na

Umakyat na sa mahigit 5,000 ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Ito ay matapos na makapagtala ng 851 na panibagong kaso.

Nakapagtala din ng dagdag na 6 na nasawi kaya umabot na sa 34 ang bilang ng nasawi sa South Korea.

Sa Italy, nakapagtala ng 27 panibagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 79 ang death toll sa nasabing bansa.

Malaki rin ang itinaas ng death toll sa Iran na umabot na ngayon sa 77.

Kapwa mayroong mahigit 2,000 kaso ng COVID-19 sa Italy at Iran.

Read more...