Water level ng Angat dam nasa 201-meter level na lang

Bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa datos ng PAGASA hydrology, nasa 201.87 meters ang water level ng dam alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules (March 4).

Mas mababa kumpara sa 202.01 meters kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.26 meters habang ang water level ng Ipo dam ay nasa 100.04 meters.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan din ang water level.

Read more...