Mahigit P260M na jackpot sa Ultra Lotto hindi pa rin napanalunan

Inaasahang tataas pa ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Ito ay makaraang hindi pa rin mapanalunan ang jackpot na mahigit P260 million sa 6/58 lotto draw kagabi.

Ayon sa PCSO, walang nakakuha ng winning number combination na 47 11 32 45 34 at 39.

Mayroon namang 11 nakakuha ng limang tamang numero na nanalo ng P168,000 bawat isa.

Samantala, wala ring nanalo sa mahigit P24 million na jackpot prize sa 6/49 Super Lotto.

Hindi rin napanalunan ang mahigit P19 million na jackpot sa 6/42.

Read more...