LPA binabantayan ng PAGASA posibleng pumasok sa bansa mamayang gabi o bukas

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,689 southeast ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, kung magpapatuloy ang kilos nito ay papasok ito sa bansa mamayang gabi o bukas ng umaga.

Hindi naman inaasahang magiging ganap na bagyo ang LPA pero maghahatid ito ng pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa Mindanao simula sa Huwebes o sa Biyernes.

Samantala, para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Batanes at Babuyan Group of islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Easterlies naman ang nakaaapekto sa Metro Manila at sa buong Visayas at Mindanao.

Nakataas pa rin ang gale warning sa Batanes, Babuyan, Calayan at northern coast ng Ilocos Norte at bawal munang pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat.

Simula ngayong araw hanggang sa Biyernes ay inaasahan pa ang muling pagbugso ng Amihan.

Bukas, March 5 ay inaasahang maaapektuhan na nito ang buong Luzon pero dahil patapos na ang Amihan season ay hindi na gaanong kalamigan ang mararanasang temperatura.

Read more...