Alas 5:01 ng umaga ng Huwebes, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.7 na lindol sa 37 km west ng bayan ng Calayan.
Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs sa nasabing lindol.
Tectonic ang origin ng lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala o aftershocks.
Alas 12:05 ng madaling araw ng Huwebes ay tumama rin ang magnitude 4.7 na lindol sa bahagi naman ng Don Marcelino, Davao Occidental.
Sa updated information na inilabas ng Phivolcs , naitala ang intensity 3 sa Malita, Davao Occidental at sa Alabel Sarangani, habang intensity 2 naman ang naitala sa General Santos City.
MOST READ
LATEST STORIES