Zuckerberg, naitalang 4th richest person in the world

mark zuckerbergNaungusan na ni Facebook CEO Mark Zuckerberg si Amazon CEO Jeff Bezos sa ika-apat na ranggo sa Bloomberg Billionaires Index.

Ibig sabihin nito, si Zuckerberg na ang ika-apat na pinakamayamang tao sa buong mundo.

Nang magsara ang trading noong Martes, nasa 50 bilyong dolyar na ang naitalang yaman ni Zuckerberg, na lalo pang tumataas simula nang maiulat na tumaas ang sales at kita ng Facebook noong January 28, na higit pa sa inaasahan.

Nanatili namang nangungunang pinakamayamang tao sa buong mundo si Microsoft founder Bill Gates na may net worth na 78.7 billion dollars.

Sinundan ito ni Zara fashionista Amancio Ortega ng Spain na may 69.3 billion dollars.

Pangatlo naman si Wall Street wizard Warren Buffet na may yamang nagkakahalaga ng 59.6 billion dollars.

Read more...