Pagdadala ng milyong salapi ng mga Chinese sa bansa, pinabubusisi na ni Pangulong Duterte sa DOF

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Secretary Sonny Dominguez na imbestigahan ang pagdagsa ng mga Chinese na may dalang milyun-milyong salapi papasok ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, natalakay sa Cabinet meeting, Lunes ng gabi, ang ulat sa posibilidad na pumasok na sa money laundering ang mga Chinese na nagpapanggap na manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi pa ni Panelo na sa ngayon, ang DOF na muna ang mag-iimbestiga, maliban na lamang kung magpapasaklolo si Dominguez sa ibang tanggapan.

Ayon kay Panelo, idiniga rin sa Cabinet meeting ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering council chairperson Benjamin Diokno ang panukalang amyendahan ang Republic Act 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001 at ang Republic Act No. 9372, or the Human Security Act of 2007.

Iginiit aniya ni Diokno na kung maamyendahan ang dalawnag batas, mapalalakas pa nito ang pagsusumikap ng Pilipinas na makakuha ng a-credit rating.

Read more...