Lumusot sa komite ang House Bill 5456 o Flagship Emergency Act of 2019 ng walang pagtutol sa mga miyembro.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, may-akda ng panukala, target nito na mapababa ang antas ng kahirapan mula sa 21.6% noong 2015 sa 14% sa 2022.
Kinakailangan aniya na masuportahan ng special powers ang mga BUILD BUILD BUILD programs para maitaas ang inclusive growth ng bansa.
Sinabi ni Salceda na kasalukuyang ginagawa na ang mga infra projects ngunit pabibilisin lamang sa pamamagitan ng mabilis na procurement process at paggiit sa right of way.
Layunin din ng panukala na matapos ang mga flagship programs ng administrasyon bago o pagsapit ng 2022.