Ito ay kung makalulusot sa Kamara ang panukalang batas para sa franchise renewal ng naturang TV station.
Ayon kay Andanar, mapagpatawad na tao si Pangulong Duterte.
Sapat na aniya ang sorry ng ABS-CBN sa pangulo nang hindi i-ere ang kanyang ilang campaign materials noong 2016 presidential elections.
Aminado naman si Andanar na walang magagawa ang Malakanyang kung hindi magiging paborable ang desisyon ng kamara at maging ng Korte Suprema sa ABS-CBN na ngayon ay nahaharap sa quo warranto petition dahil sa hiwalay na sangay ito ng pamahalaan.
Pero ayon kay Andanar kapag nakakuha naman ng kaaya-ayang desisyon ang ABS-CBN tiyak na makikinabang din ang Rappler na ngayon ay nahaharap din sa legal issue dahil sa Philippine Depository Receipts.
Matatandaang makailang beses nang binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN at Rappler dahil sa hindi patas na pagbabalita at ilang legal issues.