Pagpayag na mag-presscon ang suspek sa hostage crisis sa Greenhills, San Juan bahagi ng tactical response – PNP

Bahagi ng ‘tactical response’ ang pagpayag ng mga otoridad na makapagpa-presscon ang hostage taker sa V-Mall sa Greenhills, San Juan kahapon.

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, ipinaliwanag na ni San Juan Mayor Francis Zamora na ang pagpapa-presscon ng suspek na si Alchie Paray ay bahagi ng negosasyon.

Isa si Zamora sa rumesponde sa insidente at nakipag-negosasyon kay Paray.

Ani Gamboa, mayroong ‘tactical reason’ kung bakit iyon pinayagan.

Hiling ni Gamboa sa publiko lalo na sa mga kritiko, respetuhin ang naging pasya ng mga otoridad.

Naniniwala naman si Gamboa na maayos na napanghawakan ng NCRPO ang hostage crisis na inabot ng 10 oras.

Read more...