Lotto bettor wagi ng mahigit P72M na jackpot sa Mega Lotto 6/45

Isang mananaya ng lotto ang nagwagi sa mahigit P72 million na jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.

Napanalunan ng bettor ang winning number combination na 8 13 36 22 4 at 3.

Kabuuang P72,372,679 ang kaniyang napanalunan.

Wala namang nanalo sa mahigit P60 million na jackpot prize sa Grand Lotto.

Ito ay makaraang walang makakuha sa winning number combination na 22 3 33 17 14 at 24.

Samantala aabot na sa mahigit P252 million ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 na mayroong draw mamaya.

Read more...