Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong umaga

May mahigit pisong bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo ang rollback alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, March 3.

Sa abiso ng mga kumpanyang Shell, Petron, Chevron, SeaOil at Flying V, may bawasna P1.40 sa bwat litro ng gasolina; P1.65 sa kada litro ng kerosene at P1.60 sa kada litro ng diesel

May parehong halaga din ng bawas sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang Petro Gazz, PTT, at Eastern Petroleum.

Ang kumpanyang Cleanfuel naman ay nauna nang nagpatupad ng bawas sa presyo ng kanilang produkto noong alas 4:00 ng umaga ng March 1.

Read more...