Nasawi sa COVID-19 sa US umakyat na sa 6

Umabot na sa anim ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Estados Unidos partikular sa Seattle area.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng 4 pang panibagong nasawi sa Seattle.

Lima sa mga nasawi ay mula sa King County at ang isa ay mula sa Snohomish County.

Payo ng King County Public Health sa mga mamamayan panatilihin ang malusog na pangangatawan at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar lalo na kung edad 60 na pataas at mayroong kasalukuyang health conditions.

Sa ngayon mayroong 14 na kaso ng COVID-19 sa King County at inaasahang ito ay tataas pa.

Read more...