Ayon sa civil protection agency, 11 ang naitalang nasawi sa magdamag kabilang na dito ang 18 nasawi noong Linggo kasama ang 3 nasawi sa Emilia Romagna. Ang mga nasawi ay matanda na at may mga malala na sakit bago pa tamaan ng virus.
Nasa mahigit 2,000 naman na ang nagpositibo sa COVID-19 na karamihan ay mula sa northern Lombardy region.
Nananatili naman sa intensive care ang 166 na nagpositibo habang 149 naman na pasyente ang naka-recover na sa simula nang may maitalang nagpositibo sa virus sa bansa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), bumaba na ang naitatalang nasasawi sa China ngunit nakakaalarma ang sitwasyon sa Italy, South Korea, Iran at Japan dahil sa pagtaas ng bilang ng tinamaan at nasasawi sa mga nasabing bansa.
Ang Italy ang pinakaapektadong lugar sa Europe kung saan 11 bayan na ang nakasailalim na sa quarantine at nakapagsagawa na rin sila ng mahigit 23,300 na test.