2 menor de edad arestado sa pagnanakaw sa QC

Arestado ang dalawang lalaking menor de edad matapos maaktuhang nagnanakaw sa Barangay Damayan, Quezon City, Lunes (March 2).

Base sa kuha ng CCTV, magkaangkas ang dalawang binatilyo at nagmamadaling umalis sakay ng ninakaw na mountain bike.

Naaktuhan din ang dalawa na ding nagnanakaw naman ng mga cellphone at wallet sa katabing barangay at dito na sila naaresto.

Ayon sa Barangay Damayan desk officer na si Heidi Lagata, umamin umano ang mga bata sa pagnanakaw at nabenta lang ang bike sa halagang P2,000 na may orihinal na halaga nito ay nasa P10,000.

Ituro ng mga binatilyo kung kanino nila ipinagbili kaya’t nabawi ang bisikleta at iba pa nilang ninakaw.

Samantala, nakiusap naman ang mga magulang ng dalawang bata na didisiplinahin na lang nila ang kanilang mga anak.

Hindi na rin nagsampa ng reklamo ang may ari ng bike at mga may ari ng cellphone at wallet.

Sasailalim naman sa counseling at community service ang mga menor de edad.

Read more...