Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Kiblawan sa lalawigan ng Davao Del Sur.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 4 kilometers southwest ng Kiblawan alas 5:26 ng umaga ng Martes, March 3.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometers.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kidapawan City at Malungon, Sarangani at Intensity I sa Tupi, South Cotabato.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock.

Read more...