Kasama ni Moreno sa pagpirma ng Ordinance No. 8608 sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Second District Councilor Darwin “Awi” Sia at mga miyembro ng Manila City Council.
Nakapaloob sa ordinansa na nasa P49,300,000 ang ilalaang pondo para sa pagpapatayo ng sementeryo.
Aabot sa 2,400 square meters ng lupa ang magiging sakop ng Manila Muslim Cemetery para sa nasawing Muslim na residente ng lungsod.
“It is hereby declared the policy of the City Government of Manila to confer recognition to the Muslim community in Manila with their inherent cultural attributes and customary traditions, especially in terms of caring for the remains of their departed, by defining a burial ground in the South Cemetery and a special body intended to manage [it],” ayon pa sa ordinansa.
Pangungunahan naman ng Manila Health Department (MHD) ang operasyon sa nasabing sementeryo.
Ayon sa alkalde, layon ng ordinansa na kilalanin ang cultural attributes at tradisyon ng Muslim community sa lungsod.
“Sa ganitong paraan lamang, muling naipaalala kung paano nagsimula ang Lungsod ng Maynila bago pa dumating ang mga kastila,” dagdag ni Moreno.