Hostage-taker sa isang mall sa San Juan, naaresto na ang mga otoridad

Photo grab from Inquirer.NET Facebook live video

Naaresto na ng mga otoridad ang hostage-taker na si Archie Paray sa sa isang mall sa Greenhills, San Juan City, Lunes ng gabi.

Idinapa ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team si Paray matapos humarap sa media at maglabas ng mabigat na saloobin sa Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR).

Bago ito, tahasan pang nagtanong si Paray kay San Juan City Mayor Francis Zamora kung sa kulungan ba o sementeryo siya idederetso.

Wala namang nasaktan sa mahigit 30 indibidwal na na-hostage sa nasabing mall.

Nagsimula ang hostage-taking bandang 11:00 ng umaga na tumagal nang halos walong oras.

Read more...