Leyte, Leyte niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Leyte, Leyte Lunes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 6 kilometers Southeast ng Leyte bandang 6:23 ng gabi.

2 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...