Ayon kay Salceda, hindi ito napag-aralang mabuti at hindi ikinonsidera ang socioeconomic status ng mga mahihirap na Filipino na madalas sumasakay ng tricycle.
Sinabi nito na ang tricycle lamang din ang pangunahing livelihood source ng libu-libong pamilyang Filipino.
Tinukoy pa ng mambabatas na P1.2 bilyon ang ibinabayad sa road users tax ng 4.5 million na tricycle drivers sa bansa habang P52 bilyon na excise tax at VAT kada taon din ang nakokolekta sa mga ito sa produktong petrolyo na siyang bahagi din ng nalilikom na P650 bilyon na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iginiit pa ng kongresista na batay sa 2017 World Health Organization Philippines at Land Transportation Office data, hindi hamak na mas mataas ang insident ng mga nasa sasakyan na nasa 0.282 porsyento kumpara sa tricycles ay motorcycles na nasa 0.085 porsyento.
Kaugnay nito, isang resolusyon ang inihain ni Salceda at hiniling sa DILG na bawiin ang memorandum na nagbabawal sa mga tricycle na bumiyahe sa national highways.
Pinapakilos din nito ang House Committee on Transportation para magsagawa ng pagdinig para humanap ng iba pang alternatibo.