Nagtungo sa tanggapan ng LTFRB si Jakes Duyongco, operations manager ng Joanna Jesh, kasunod ng paglutang ng driver ng reckless bus Roel Labin kahapon.
Ayon kay Doyungco, otomatiko na nilang pinatawan ng 30-araw na suspension ang kanilang tsuper matapos lumutang at makaladkad sa social media ang isa nilang unit na may plakang TYR- 745 noong Lunes.
Giit ni doyungco hindi nila kukunsintihin si Labin ngunit hindi agad ito tatanggalin sa trabaho at sasailalim pa rin sa tamang proseso.
Bukod sa suspendido na ang drivers license at sumasailalim sa drug test haharap din sa pagdinig si Labin at mga opsiyales ng Joanna Jesh sa itinakdang hearing ng LTFRB sa February 9.
Sa pagharap ni Labin sa LTFRB, inamin din nitong dalawang linggo pa lamang siyang nagmamaneho para sa naturang bus company.
Nag-negatibo naman sa drug test ang driver.