Nakaranas ng magnitude 4.7 na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PhiVolcs, naitala ang episentro ng lindol may 21 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng bayan ng Don Marcelino, Davao Occidental dakong alas 12:05 ng umaga.
Naramdaman ang Intensity III sa General Santos City.
Wala namang naitalang pinsala dulot ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES