Halos 500 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa South Korea

Nakapagtala ng 500 panibagong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Dahil dito lumagpas na sa 4,000 ang kaso ng sakit sa naturang bansa. Pumapangalawa ang South Korea sa China sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention umabot na sa 22 ang nasawi sa South Korea dahil sa COVID-19.

Inaasahan ng KCDC na tataas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang mataas na bilang ng nagpositibo sa nakalipas ng magdamag ay matapos ang ginawang pagsusuri sa mahigit 260,000 na miyembro ng isang sekta.

Nagsimula ang kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos magsimba ang isang 61 anyos na babae na positibo sa sakit.

Read more...