Sa abiso ng Philippine Embassy in Korea, kung mayroong sintomas ng COVID-19 kailangang agad tumawag sa KCDC foreign language hotline number na 1345.
Ang service hours ng naturang hotline number ay:
β 9 a.m. to 6 p.m. kung English
β 9 a.m. to 10 p.m. kung Filipino
Anuman ang visa status, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy na agad makipag-ugnayan sa Philippine Embassy kapag may sintomas.
Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaring tumawag sa Assistance to Nationals (ATN) hotline number na 010-9263-8119.
Pwede ring magpadala ng email sa email address na help@philembassy-seoul.com.
Ilagay lamang ang buong pangalan, address, contact number at ang tulong na kailangan.