Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, sa March 7 target ng PNP na maisumite ang findings kay Pangulong Duterte.
Ang national adjudication board ang nanguna sa imbestigasyon sa pamumuno ni deputy chief for administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.
Aabot sa 357 ang na pulis ang nasa narcolist ng pangulo.
Sa nasabing bilang, 15 na ang nagpasya na mag-early retirement, 43 ang idineklara ng AWOL, at mayroong isang nasawi na sa shooting incident.
Dahil dito, 298 na pulis na lang na aktibo sa serbisyo ang sumailalim sa imbestigasyon ng national adjudication board kasama si Lt. Col. Jovie Espenido.