Mga vendor na hindi sumusunod sa SRP sa baboy at manok padadalhan ng letter of inquiry – DA

Iisyuhan ng letter of inquiry ang mga vendor sa Metro Manila na hindi sumusunod na inilabas na suggested retail price sa baboy, manok at iba pang agricultural products.

Ito ay matapos makarating sa kaalaman ng Department of Agriculture (DA) na may mga palengke pa rin sa Metro Manila na hindi sumusunod sa SRP na inilabas ng ahensya.

Sa panayam ng Radyo Inquire sinabi ni DA Asec. Noel Reyes na bibigyang pagkakataon ang mga nagtitinda para ipaliwanag kung bakit mataas pa rin ang presyo nila lalo na sa baboy.

Sa SRP ng DA dapat ay P190 lang ang kada kilo ng baboy sa Metro Manila.

Tutukuyin ng DA kung ano ang dahilan ng maatas na pasa ng presyo sa mga palengke.

Katuwang ng DA sa pagmomonitor ng presyo sa mga palengke sa Metro Manila ang DTI at mga lokal na pamahalaan.

Paliwanag ni Reyes, mula sa farm gate, dapat ay P50 lamang ang pinakamataas na patong sa presyo ng kada kilo ng baboy.

Read more...