Korean singer na si Chung Ha isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa niyang staff

Nakasailalim sa self-quarantine ang South Korean singer na si Chung Ha.

Ito ay makaraan na dalawa sa kaniyang staff ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng kanilang show sa Italy.

Sa pahayag ng MNH Entertainment, katatapos lamang mag-show sa Italy ni Chung Ha at pagbalik ng South Korea, dalawa sa kaniyang staff ang nagpositibo sa sakit.

Ang singer ay negatibo naman sa sakit pero base sa utos ng Korea Centers for Disease Control and Prevention kailangan siyang sumailalim sa self-isolation.

Dahil dito, kanselado na ang lahat ng naka-schedule na show ng singer.

Kabilang sa nakansela ang show ni Chung Ha sa Clouds Festival sa Jakarta.

Read more...