Ito ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa Japan na mayroon nang 256 na kaso at 6 na ang nasawi.
Maliban pa ito sa 705 na kaso na naitala sa MV Diamond Princess at 7 ang nasawi.
Sa abiso ng embahada ng Pilipinas sa Japan, simula ngayong araw, March 2 epektibo na ang “online appointments only” para sa mga passport applicants.
Para sa mga magre-renew o kukuha ng passport, kailangang magpa-appointment sa https://tokyo.philembassy.net
Mananatili ang naturang direktiba hangga’t hindi naglalabas ng panibagong abiso ang embahada.
READ NEXT
China nakapagtala ng 42 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag; global death toll mahigit 3,000 na
MOST READ
LATEST STORIES