China nakapagtala ng 42 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag; global death toll mahigit 3,000 na

Umabot na sa mahigit 3,000 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 42 na panibagong bilang ng nasawi sa China, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang bilang ng nasawi doon.

Nasa 138 naman na ang namamatay sa sa iba pang mga bansa.

Sa nakalipas na magdamag, ang Iran ay nakapagtala ng 11 panibagong bilang ng nasawi at 12 naman ang naitalang bagong nasawi sa Italy.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa na apektado ng COVID-19.

Iran – 54 (11 new)
Italy – 41 (12 new)
South Korea – 21 (4 new)
Diamond Princess – 7 (1 new)
Japan – 6 (1 new)
France – 2
Hong Kong – 2
USA – 1
Thailand – 1 (new)
Australia – 1 (new)
Taiwan – 1
PH -1

Read more...