Embahada ng Pilipinas sa Iran nagpatupad ng half-day operations sa dahil sa COVID-19 scare

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Iran, nagpatupad na ng half-day operations ang Embahada ng Pilipinas sa Tehran.

Ayon sa abiso ng embahada, simula ngayong araw (March 2) alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 na lang ng tanghali ang operasyon ng embehada.

Magpapatuloy ang half-day operations ng embahada hangga’t hindi naglalabas ng panibagong abiso.

Pinayuhan ng embahada ang mga mayroong transaksyon na tiyaking may suot na mask kapag magpupunta sa embahada.

Ito ay para maiwasan na sila ay mahawa sa COVID-19.

Read more...