Water level ng Angat dam nabawasan sa nakalipas na magdamag

Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes (March 2), ay nasa 202.17 meters ang water level ng Angat dam.

Mas mababa kumpara sa 202.20 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.34 meters ngayon habang walang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.05 meters.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang water level.

Maliban lamang sa Ambuklao at Caliraya dams na bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig.

Read more...