Nakakaapekto ang dalawang weather system sa buong bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na nagdudulot ito ng maalinsangang panahon lalo na tuwing hapon.
Aniya, umiiral ang Northeasterlies surface windflow partikular sa extrreme Northern Luzon.
Sinabi nito na magiging maayos ang lagay ng panahon sa Luzon maliban lamang sa isolated light rains dulot ng thunderstorm lalo sa Silangang bahagi tulad sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon at Bicol region.
Easterlies naman aniya ang nakakaapekto sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ani Aurelio, magiging maaliwalas ang panahon sa Visayas ngunit may tsansa na magkaroon ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Samantala, sinabi ni Aurelio na walang namamataang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).