5 patay matapos malunod sa Cagayan

Nasawi ang limang kabataan makaraang malunod sa isang ilog sa Camalaniugan, Cagayan Sabado ng tanghali.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nangyari ang insidente sa bahagi ng Ilog Cagayan sa Barangay Juaquin del Cruz pasado 12:00 ng tanghali.

Kinilala ang mga biktima na sina Loriebeth Ruato, 14-anyos; Jenny Dela Cruz, 14-anyos; Ireen Tubol, 16-anyos; Mae Tubol, 13-anyos; at Bernadette Daet, 14-anyos.

Samantala, nakaligtas naman ang tatlong iba pa na sina Christine Mae Aquino, 14-anyos; Louries Ann Rielo 16-anyos; at Christine Joy Urbi, 14-anyos.

Batay sa imbestigasyon, nagkayayaan mag-picnic at maligo sa ilog ang magkakaibigan nang biglang mangyari ang insidente.

Patuloy namang nagpapagaling ang tatlong nakaligtas sa Cagayan Valley Medical Center.

Read more...