Palasyo, walang balak magsuspinde ng klase sa bansa dahil sa banta ng COVID-19

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na suspindehin ang klase sa buong bansa sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito ay kahit na inilagay na ng World Health Organization (WHO) sa highest level ang sitwasyon sa COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang nakikitang rason ang pamahalaan para ipatigil ang klase.

Katunayan, sinabi ni Panelo na hanga ang WHO sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19.

Una nang nagsuspinde ang ilang eskwelahan sa Japan dahil sa COVID-19.

Read more...