Asian concert tour ni Avril Lavigne, ipinagpaliban bunsod ng COVID-19

Ipinagpaliban ang Asian tour ng “Head Above Water” concert ng international pop-rock singer na si Avril Lavigne.

Sa Instagram, inanunsiyo ng singer na ito ay bunsod ng nagpapatuloy na outbreak sa Coronavirus Disease (COVID-19).

“My band, crew and I have been working so hard to bring this tour worldwide and are completely bummed out,” dagdag pa ni Avril.

Nakatakda sanang idaos ang concert ng Canadian singer sa Asia mula April 23 hanggang May 24.

Hinikayat naman ni Avril ang lahat na manatiling malusog at mag-ingat laban sa nasabing sakit.

Patuloy aniya ang kaniyang panalangin para sa mga apektado ng virus.

Antabayanan na lamang aniya ang susunod na anunsiyo kung kailangan ire-reschedule ang Asian tour.

Kabilang sa Asian tour ni Avril ang China, Japan, Taiwan, Hong Kong at Pilipinas.

Read more...