2 bata patay sa pagsabog sa Maguindanao

Patay ang dalawang bata sa nangyaring pagsabog sa Sultan Mastura, Maguindanao Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Daniel Amora, 7-anyos, at Omar Amilol, 5 taong gulang.

Nangyari ang pagsabog sa isang bahay kung saan naglalaro ang dalawang biktima sa bahagi ng Sitio Santillano sa Barangay Macaviso bandang 2:30 ng hapon.

Naisugod pa ang dalawa sa Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat ngunit binawian din ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng pulisya kung totoo ang ulat na napaglaruan ng dalawang bata ang natagpuang granada sa hindi pa matukoy na lugar.

Read more...