Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakalatag na ang lahat ng protocols para masiguro na maayos na natutugunan ng pamahalaan ang COVID-19.
Sinabi pa ni Panelo na regular na nagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease para i-assess ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Katunayan, sinabi ni Panelo na bilib mismo ang WHO sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.
Wala aniyang dapat na alalahanin ang publiko dahil maayos ang pag0contain ng Pilipinas sa COVID-19.
“Yung Inter-Agency regular nagmi-meet. Depende sa sasabihin ng World Health Organization (WHO) kung ano ang findings nila, gumagalaw sila sa kung anuman ang karapat-dapat. At ready naman tayo kasi ang mga protocol natin ay well-placed. Sabi ng WHO maganda daw ang pag-contain natin sa virus, so, dapat walang alalahanin ang ating mga kababayan,” ayon kay Panelo.