TJ Monterde, nilinaw na engagement shoot pa lang ang ibinahaging larawan ni KZ Tandingan sa social media

Nilinaw ng singer-songwriter na si TJ Monterde na engagement shoot pa lamang ang ibinahagi nilang larawan ng singer na si KZ Tandingan sa social media.

Inakala kasi ng marami na kasal na ang dalawa matapos mag-post si KZ ng larawan sa Instagram na may caption na, “28.”

Makikita sa mga larawan na nakasuot si TJ ng earth-toned suit habang si KZ naman ay puting pantsuit na may belo.

Dahil dito, agad bumuhos ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga.

Ngunit sa Twitter, sinabi ni TJ na engagement shoot pa lamang ang larawan at hindi pa ito ang aktwal na kasal.

Gayunman, nagpasalamat pa rin si TJ sa lahat ng maagang bumati para sa kanila ni KZ.

Read more...