Northeasterlies, nagdadala ng maalinsangang panahon sa bansa; LPA, nalusaw na

Photo grab from DOST PAGASA website

Nakakaapekto ang Northeasterlies sa buong bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na nagdadala ang Northeasterlies ng maalinsangang panahon sa bansa.

Asahan aniya ang maaliwalas na panahon sa Luzon, Visayas at Mindanao maliban sa posibleng isolated light rains.

Samantala, sinabi pa nito na tuluyan nang nalusaw ang namataang low pressure area (LPA).

Ngunit, ani Aurelio, posible pa ring makaranas ng pag-ulan sa Mindanao region.

Read more...