Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental, araw ng Sabado.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 393 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 5:28 ng hapon.

162 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lalawigan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...