Higit P1 na rollback sa diesel, gasolina ipatutupad sa susunod na linggo

Good news para sa mga motorista!

Magkakaroon ng big-time oil price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel, may tapyas na P1.60 sa kada litro ng kanilang diesel.

Sinabi pa ng dalawang kumpanya na P1.40 naman ang bawas sa kada litro ng kanilang gasolina.

Buena manong nagpatupad ng oil price adjustment ang Phoenix Petroleum Philippines simula 6:00, Sabado ng umaga.

Epektibo naman ang bawas-presyo ng Cleanfuel sa March 1, araw ng Linggo, bandang 4:01 ng hapon.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ng oil price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...