Abogado, patay nang pagbabarilin sa Nueva Ecija

Patay ang isang abogado makaraang pagbabarilin sa Talavera, Nueva Ecija Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, pinagbabaril ang biktimang si Bayani Dalangin, 73-anyos, sa loob ng kanyang opisina sa bahagi ng Barangay Poblacion Sur dakong 7:15 ng gabi.

Nakasuot ng hood ang hindi pa nakikilalang gunman nang pumasok sa opisina ni Dalangin saka ito pinagbabaril.

Hindi na umabot nang buhay si Dalangin habang itinatakbo sa Talavera General Hospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa pamamaril.

Read more...