US-ASEAN Special Summit, ipinagpaliban bunsod ng banta ng COVID-19

AP Photo

Ipinagpaliban ng Estados Unidos ang US- Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Special Summit na nakatakda sanang idaos sa Las Vegas sa buwan ng Marso.

Ito ay bunsod ng banta ng pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon sa isang senior Trump administration official, kumonsulta sila sa lahat ng ASEAN partber bago naglabas ng desisyon sa pagpapaliban ng meeting.

Pinahahalagahan aniya nila ang relasyon ng Amerika sa ibang mga bansa.

Matatandaang inimbita ni U.S. President Donald Trump ang mga lider ng ASEAN matapos hindi makadalo sa taunang pulong noong 2019.

Read more...